Don’t Break My World Apart (Chapter 6)

Bibigoin nga ba niya ang lalaking ngayon ay laman ng kanyang puso at isip? Damangd-dama niya ang pagmamahal ni Bob sa kanya sa lahat ng oras everytime na magkasama sila ng mabait na doktor. Hindi lang pagmamahal kundi may feeling of secured pa siya sa pagiging maalalahanin ng doktor sa kanya.

Kaya heto nagpasya na siya. Hindi na niya patatagalin pa ang paghihintay nito. May nabuo siyang plano, isang malaking sorpresa ang basta bubulaga na lang sa doktor pagdating ng takdang panahon. Now na!

Minsan ay nadinig niyang sinasabayan ni Dr.Teng ang isang sentimental love song na pinatugtog niya sa car stereo. Maganda ang boses at tila may talent din sa pagkanta. Nakisabay na rin siya dito at tuloyan nang nagduet gaya ng naririnig nilang salitan ng lalaki at babae.

Sabado ng gabi, siya ang naka-schedule na kakanta sa The Nite Spark. Tinawagan niya ang doktor para yayaing manood at makinig sa kanyang pagpi-perform ng gabing iyon. Si Merlyn ang nakasagot at nakausap niya sa telepono. Wala ang doktor at nasa ospital daw. Nagbilin na lang siyang tatawag ito sa kanya.

Na siya namang ginawa kaagad ni Dr. Teng nang makauwi siya pagdating sa hospital. Pagod man siya ay hindi niya maaring ipagpaliban ang ano mang bagay na may kinalaman sa babaeng minamahal.

(Hi ladies, ganyan ba kayo kamahal ng mga lovers ninyo?) But, anyway pakinggan natin ang kanilang pag-uusap.

“Hello Bob, ikaw ba iyan?”

“Bakit may iba ka pa bang hinihintay na tumawag?”

“W-wala, ikaw lang ang gusto kong makausap ngayon.”

“Ano at napatawag ka?”

“Yayain ka sanang manood ng aking show, puwedi ka?”

“Siempre naman ano, baka mabasted pa ako niyan kung bibigoin kita Lady Gaga”

“Ano kamo?”

“Ikaw naman di ka na mabiro, siempre kasing sikat mo si Lady Gaga kaya papanoorin ko ang iyong show.”

“Hihintayin kita, magdidinner tayo sa labas. Ako ang taya.”

Isang napakalungkot na awitin ang kasalukoyang kinakanta ng singer nang dumating ang doktor. Maluha-luha ang mga ibang nakikinig at nanunood. Siguro ay dinalaw sila ng mga matatamis at mapapait na alaala ng lumipas.

Panay ang pagi-emote ni Christy habang inaawit niya ang sentimental love song. Pati ang bagong dating na doktor ay naluha ding bahagya sa tamis ng boses at galing kumanta ni Christy.

Isang napakalakas na palakpakan ang iginanti sa kanya ng mga taga-hanga niya. Ang mga iba ay nagsitayo pa habang pumapalakpak.

Kinuha naman ni Christy ang pagkakataon para magbigay ng isang mensahe.

“Nakilala ako bilang si Lonely Pinay dahil sa mga inaawit kong malulungkot na awiting ng pag-ibig. Kung ano ang nakikita ninyong emosyon mula sa akin while singing, totoo iyon. Akoy ilang bises nang nagmahal at nabigo at labis-labis na nasaktan. Pero hanggang ngayon nandito pa rin akong nakatayo. Kasi, tinulongan ninyo akong bumangon, itinuro ninyo sa akin kung nasaan ang ilaw ng pag-asa. I owe all of these things to you, kayong mga nagmamahal at tumangkilik kay lonely girl.”

Sinalubong naman ng malakas na palakpakan ang kanyang mga sinabi.

“Pero hindi pa ako dito nagtatapos, may sasabihin pa ako. Tonight, pansamantalang maglalaho sa inyo si Lonely Pinay upang bigyang daan ang isang nakakakilig na awitin ng pag-ibig. But I can’t sing this song alone, kailangan ko ang pagdamay sa akin ng isang taong nagmamahal.”

Saglit na naglibot ang kanyang mga mata upang tignan kung nasaan si Dr. Teng. Nang makita niya ito ay kanyang nginitian kaagad.

“Ladies and gentlemen it’s my pleasure to introduce to you the man who means so much to me. Sasamahan niya akong awitin ang inyong paboritong “You are the love of my life.” Without much ado let me call on to join me here Dr. Roberto Teng, a heart surgeon and specialist.

Nagulat si Dr. Teng sa biglang pagtawag sa kanya ni Christy sa entablado. Sinalubong kaagad siya ng masikabong palakpakan paglapit niya kay Christy na kanyang hinalikan sa pisngi.

“Thank you Bob, and thanks to all of you too. Mahal na mahal ko kayo.” Pagkasabi ay tumogtog na ang banda. Kabisado ni Christy ang taas ng boses ni Bob at ito ang notang ibinigay sa banda.

Napakaganda, napakaromantiko ang ginawa nilang rendition para sa love song na sabay nilang inawit.

Fantastic! More, More! Ito ang sigaw ang audience sa kanila. Ngunit hindi na nila ito napansin dahil mahigpit silang nagyakapan at naglapat ang kanilang mga labi.

“I love you Bob, and as everybody hears it, ikaw lang ang aking mamamahalin. Nobody but you,” pahabol pa niya.

“I love too, I hope you are no longer that sad Lonely Pinay.”

Lalo pang lumakas ang palakpakan sa kanilang narinig. Maraming nainggit. Iyong mga iba ay nagselos naman dahil hindi sila ang pinaland kundi ang doktor ng puso. Ang suwerte naman niya at nakuha niya ang puso ng hinahangaan ng lahat na singer.

Nagunahan din ang mga media na nandoon sa pagkuha ng mga larawan at footages. Tiyak na pagkakaguluhan na naman ito ng mga taga-subaybay ng celebrity news.

At iyon nga ang nangyari. Pati kay Merlina ay umabot din ang balita at hindi niya nagustohan ang larawan na kanyang nakita kung saan ay nakipaghalikan ang dating asawa sa isang singer.

Ano ito pagseselos? Pailing-iling lang si Merlina ngunit may pagbabanta ang kanyang mga ngiti.

(ITUTULOY)

Leave a comment